DONASYON | Bong Go, ibinigay na ang 1 million check na napanalunan ng kaniyang basketball team para sa mga cancer patients ng PCMC

109

Manila, Philippines – Nagkaloob ng tseke na naglalaman ng isang milyong piso sa cancer and hematology center ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) si Special Assistant to the President Bong Go

Nilinaw naman ni SAP Bong Go na ang pera na kanilang inihatid sa mga batang may cancer ay hindi niya sariling pera.

Tulong aniya ito ng mga kasama niya basketball team sa Malakanyang, ang Team Kamao na napanalunan nila sa isang liga.

Aniya pera ito ng taumbayan at hindi kailangang magpasalamat.

Aniya noon paman ay hindi na rin siya nag cecelebrate ng kanyang kaarawan simula nung mapunta siya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nanawagan din si Go sa mga magulang ng mga batang may cancer na huwag mawalan ng loob at patuloy lang sa paglaban sa naturang sakit.

Facebook Comments