Donasyong medical equipments, ibinigay na ng PCSO sa Municipality of San Manuel sa Pangasinan

40

Ibinigay na ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairperson at General Manager Royina Marzan-Garma ang mga donasyong medical equipment at supplies sa munisipalidad ng San Manuel sa Pangasinan.

Kabilang sa mga ito ay ang 20 unit ng wheelchairs at limang oxygen tanks na magagamit sa COVID-19 response at iba pang health programs ng munisipalidad sa kanilang mga residente.


Nagpasalamat naman ang San Manuel-Local Government Unit sa mga donasyong ibinigay ng PCSO.

Tiniyak rin nito na patuloy ang gagawing pagsuporta ng kanilang bayan sa mga programa ng PCSO lalo na sa mga palaro nitong lotto sweepstakes, keno, digit games at STL.

Facebook Comments