Donnalyn Bartolome, nagbigay payo tungkol sa pagpapakasal at pagkakaroon ng anak

62

“Mas mahirap tumanda na mali ang pinakasalan”.

Ito ang naging sagot ng singer, aktres at vlogger na si Donnalyn Bartolome matapos ang komento ng ilang netizen sa pinost niyang throwback photo noong 17 years old pa lamang siya.


Ayon sa mga netizen na nagcomment, “Mag-asawa ka na Dona, mahirap tumanda na mag-isa at mag-anak kana na, mahirap tumanda ng walang anak”.

Say ni Donnalyn, mas mahirap kapag maling tao ang piniling dalhin sa altar.

Ayon pa sa vlogger, hindi dapat gawing retirement ang mga anak at obligahin ang mga ito na gawin ang responsibilidad na hindi naman sa kanila.

Sinabi rin ni Donnalyn na i-invest ang pera sa negosyo, kalusugan o life insurance.



Maraming naman niyang followers ang sumang-ayon sa mga sagot nito.

Sa huli, nagbigay rin ng iba pang opsyon si Donnalyn tulad ng pag-aalaga ng hayop lalo pa’t overpopulated na ang ating bansa.


Facebook Comments