Donnie ‘Ahas’ Nietes, nasungkit ang ika-4 na division world title

2835

Itinanghal na kampeon ang ating pambato sa boksing na si Donnie ‘Ahas’ Nietes.

Ito ay matapos masungkit ang Fourth Division World Title nang maagaw niya ang WBO World Super Flyweight Crown kay Kazuto Ioka ng Japan.

Sa pamamagitan ng split desisyon, naipanalo ni Nietes ang laban.

Dominante si Nietes sa unang bahagi ng 12 round fight at ipinamalas ang kanyang mga deadly combinations.

Batay sa resulta ng scoring, si judge Levi Martinez ay ibinigay ang laban kay Nietes 118-110 at judge Patricia Morse Jarman ay iginawad naman ang 116-112 para kay Nietes.

Pero ang ikatlong judge na si judge Samuel Nieto ay nagpakita ng 116-112 pabor kay Ioka.

Facebook Comments