Donovan Mitchell, pinangunahan ang ika-19 panalo ng Jazz kontra Pacers

39

Pinangunahan ni Donovan Mitchell ang panalo ng Utah Jazz kontra Indiana Pacers sa score na 103-95.

Nagpakita ng all around game si Mitchell na nakagawa ng 27 points, 11 assists at nine rebounds.


Naging katuwang ni Mitchell sina Bojan Bogdanovic na may 18 points, Jordan Clarkson na nagdagdag ng 17 puntos at Rudy Gobert ay may 16 points at 16 rebounds.

Hindi inalintana ng Jazz ang hindi paglalaro ng kanilang star point guard na si Mike Conley para maitala ang ika-19 nilang panalo at limang talo.

Nanguna naman sa Pacers si Domantas Sabonis na may 20 points at Malcolm Brogdon na may 15 points at seven assists.

Facebook Comments