DOST, gagawa ng bamboo dispensers at footbaths

45

Inprubahan ng Department of Science and Technology-Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) ang proyekto kung saan gagawa ng hands-free disinfectant dispensers at foot bath na yari sa kawayan.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang mga produktong gawa sa kawayan at abaca ay mas ‘sustainable’ at ‘ecological’ dahil sila ay biodegradable o nabubulok.

Makakatulong din ang paggamit ng mga raw materials na ito sa mga local bamboo at abaca growers, processors at mga maliliit na negosyante.

Bago ito, nauna nang ginagawa ang bamboo-framed face shield na bumenta sa publiko.

Facebook Comments