DOT, makikipag-ugnayan sa Tourist Destinations at Heritage Sites na naapektuhan ng malakas na lindol kahapon.

56

Makikipag-ugnayan ang Department of Tourism (DOT) sa Tourist Destinations at Heritage Sites na matatagpuan sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol.

Inatasan ni Tourism Secretary Christina Frasco ang Regional Offices na makipagtulungan sa Local Government Units upang tukuyin kung gaano katindi ang pinsala at upang makapaghatid ng tulong sa Tourism-Related Establishments.

Nagbigay na rin ng direktiba si Secretary Frasco sa Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority para sa tulong na maaaring ipagkaloob sa Cultural at Heritage Sites.


Binigyang diin ng kalihim na gagawing prayoridad ang assessment sa Cultural Treasures dahil kailangan itong protektahan at panatilihin.

Dalawang properties na pag-aari ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang napinsala ng lindol partikular ang Banaue Hotel and Youth Hostel at Mt. Data Hotel.

Kabilang din sa Tourism Sites sa Abra na naapektuhan ay ang Sta. Catalina De Alexandria Church at San Lorenzo Ruiz Shrine.



Facebook Comments