DOT, suportado ang clean-up drive ng pamahalaan sa Manila Bay

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagsuporta ang Department of Tourism (DOT) sa inisyatibo ng pamahalaan na magsagawa ng clean-up drive at i-rehabilitate ang Manila Bay.

Sa official statement na inilabas ng DOT, nakasaad na welcome para sa kanila ang hakbang na ito ng pamahalaan.

Anila, malaking ambag ang paglilinis na ito upang mapagyabong pa ang turismo sa bansa.


Kaugnay nito, paiigtingin pa nila ang kanilang kooperasyon sa mga organisasyon, local at national agency upang makapag-ambag at matiyak ang patuloy na pag-unlad ng sektor ng ekonomiya.

Nabatid na sa darating na January 27 uumpisahan na ang naturang rehabilitasyon sa Manila Bay.

Facebook Comments