DOTr Asec. Libiran, nagpositibo sa COVID-19

36

Kinumpirma ni Assistant Secretary Goddes Libiran ng Department of Transportation (DOTr) na positibo siya sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Batay sa kaniyang post sa Facebook account bago magtanghali, noong August 1 ito nagpa-swab test at lumabas sa results ngayon na infected ito ng virus.


Sinabi rin niya sa kaniyang post na sasailalim na siya sa home quarantine.

Hindi naman nagbigay pa ng karagdagan detalye si Libiran ukol dito.

Pero sinabi rin nito na walang dapat ipangamba dahil hindi siya padadaig sa banta na dala ng virus.

Facebook Comments