DOTr – handa sakaling magka-aberya sa operasyon ng MRT habang wala pang bagong maintenance provider

Manila, Philippines – May nakahandang contingency plan ang Department of Transportation (DOTr) sakaling magka-aberya ang mga tren ng Metro Rail Transit (MRT) habang wala pa itong bagong maintenance provider.

Sa harap ito ng pagkansela ng DOTr sa Busan Universal Rail Inc. (BURI) dahil na rin sa nararanasang sunod-sunod na aberya sa operasyon ng MRT.

Tiniyak naman ni Transportation Usec. Cesar Chavez na lahat ng bidding sa kanilang mga kontrata ay isasapubliko sa pamamagitan ng livestream.


Sa ganitong paraan aniya, makikita ng publiko kung sino-sino ang mga kasali sa bidding.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments