
Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong umaga.
Tiningnan ng mga kinatawan ng ahensiya ang lagay ng mga pasahero at istasyon ng tren.
Matatandaang sumailalim din sa system maintainance ang buong MRT-3 nitong nagdaang Semana Santa.
Kasama sa mga improvement ay ang paglalagay ng bagong pintura sa mga paalala na “mind the gap” na platform markers sa mga istasyon.
Bukod sa repainting ng yellow signs, sinigurado ring malinis at nagagamit ang lahat ng comfort rooms, escalators, at elevators sa MRT.
Pinalitan ng bago ang mga passenger lighting ballast ng mga bagon at isinailalim sa repair at reconditioning ang ilang electical na bahagi ng tren.
Sinabe ng DOTr na inaaral na rin nila ang pag-imolement sa cashless payment para sa mga bumibili ng single jouney ticket.