DOTr ipinaalala sa publiko na bawal mag-bomb joke lalo na sa pampublikong lugar

66

Manila, Philippines – Muling nagpaalala sa publiko ang Department of Transportation (DOTr) na bawal magbiro patungkol sa bomba o bomb joke.

Kung maalala nito lamang isang pasahero ng MRT 3 ang inaresto sa Cubao Station dahil nagbiro ito na may kaugnay sa bomba.

Ayon sa DOTr, hindi dapat nagba-bomb joke dahil maaring mag-panic ang mga tao at posibleng may masaktan.

Huwag na huwag din itong gagawin sa airport bus terminal estasyon ng tren at kahit saan pang pampublikong lugar tulad sa mga mall at pasyalan.

Kasong paglabag sa PD 1727 ang kasong isasampa kung sino man ang mapatunayang gumawa nito.

Bukod sa multa maari din makulong hanggang sa 5 taon kung sa gagawa ng bomb joke.

Facebook Comments