DOTr, ipinagtanggol si Tugade

39

Ipinagtanggol ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang pinuno na si Secretary Arthur Tugade.

Ito ay matapos sabihin ni Senator Grace Poe na dapat nang mapalitan ang kalihim dahil hindi nito malutas ang problema sa trapiko.


Ayon sa DOTr – hindi bahagi ng mandato ng kanilang ahensiya ang pamamahala sa trapiko.

Pinabulaanan din ng DOTr na walang ginagawa si Tugade.

Binigyan-diin nila ang 64 airport projects, 220 commercial at social/tourism port projects, at ongoing construction ng two railways, na naganap sa ilalim ng pamamahala ng kalihim.

Facebook Comments

From Advertisers