
Nag-deploy na ang Department of Transportation (DOTr) ng mga Love Bus sa Davao City.
Ito ay para magsakay ng mga stranded na pasahero kasunod ng magnitude 7.4 na lindol kaninang umaga.
Bilang pakikiisa na rin ito sa pagsasanib-pwersa ng mga ahensya ng pamahalaan para mabilis na mabigyan ng tulong ang mga naapektuhan ng lindol.
Sa harap din ito ng nagpapatuloy na aftershocks ngayon sa ilang lugar sa Mindanao.
Facebook Comments









