
P50 milyong civil case ang isinampa ng Department of Transportation (DOTr) laban sa pamunuan ng Solid North Bus Company.
Ito ay may kinalaman sa malagim na aksidente na ikinamatay ng 11 katao at ikinasugat ng maraming iba pa noong Mayo 1.
Ang naghain ng kaso sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ay ang namatay na mag-asawa na isang engineer at isang Philippine Coast Guard personnel at ang isang dalawang taong gulang na bata.
Pinangunahan mismo ni DOTr Secretary Vince Dizon at mga abugado ng ahensya ang paghain ng kasong sibil sa QCRTC.
Bukod sa driver ng sangkot na bus na si Teodoro Silvallana Merjan ay kasama rin sa sinampahan ng kaso ang presidente ng bus company na si Gerald Chua.
Samantala, mula QCRTC ay nagtungo rin si Sec. Dizon sa Antipolo City para sa paghahain ng hiwalay na P80 million civil case ng mga pamilya ng walong iba pang namatay sa malagim na aksidente sa SCTEX sa Tarlac City noong Labor Day.