DOTr, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Zeny Maranan na lider ng FEJODAP

42

Nagpaabot ng pakikiramay at pagdadalamhati ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) sa pamilyang naulila ni Zeny Maranan, pinuno ng Federation of Jeepney Operators and Drivers of the Philippines (FEJODAP).

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang hindi inaasahang at biglaang pagpanaw ni Maranan ay isang malaking kawalan sa sektor ng transportasyon.


Aniya, malaki ang kanyang paggalang at paghanga kay Maranan dahil maituturing na isa itong pwersang hindi matitibag dahil sa ipinakitang tapang at determinasyon bilang pinuno FEJODAP.

Dagdag pa niya na nagbibigay-pugay rin ang buong kagawaran ng transportasyon kay Zeny sa ibinigay nitong walang kapantay sa serbisyo sa ating mga kababayan.

Si Zeny Maranan na lider ng FEJODAP ay pumanaw sa edad na 75 noong Sabado.

Facebook Comments