DOTr, nakiusap sa PMVIC operators na babaan ang singil sa inspection fees

44

Umapela si Transportation Secretary Arthur Tugade sa mga operator ng Private Vehicle Inspections Centers (PMVICs) na babaan ang presyo ng kanilang paniningil ng inspection fee.

Mungkahi ni Tugade na i-lebel ang presyo sa kasalukuyang singil ng Private Emission Testing Centers (PETCs) na nagkakahalaga ng P500 hanggang P800.


Sa ngayon, ang inspection fee ng mga PMVIC ay nagkakahalaga ng P1,900 sa unang test at muling magbabayad ng P900 kung hindi pumasa sa unang inspection.

Maliban dito, nakiusap din ang kalihim sa mga operator ng PMVIC na i-waive muna nila ang re-inspection fee ng isang taon habang may pandemya.

Layunin ng PMVIC na mainspeksyon ang motor vehicles upang matiyak na maganda ang kondisyon nito bago payagan ng Land Transportation Office (LTO) na makapagbiyahe sa mga kalsada.

Facebook Comments