DOTr, nilinaw na "for demonstration purpose" lang ang license application ni Secretary Tugade sa LTO kahapon

300

Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na hindi totoo ang license application ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board kahapon.

Ayon sa abiso ng ahensya, “for demonstration purpose” lang ginawa ni Tugade.

Ito ay para ipakita lamang sa publiko kung gaano kabilis ang bagong sistema ng application at renewal sa LTO kung saan ini-encode ang driver’s data sa system para sa pag-imprenta.


Sa katunayan, sinadyang minali ng kalihim ang ilang detalye sa lisensya nito para makita ang efficiency ng LTO at kung gaano ito kabilis makapag-adjust kapag may mali sa application.

Paliwanag pa ng DOTr, makaraan ang demonstration ni Tugade, inatasan niya agad si LTO Chief Edgar Galvante na burahin ang data niya sa sistema at kanselahin ang lisensya na inisyu sa kanya.

Facebook Comments