DOTr, pag-aaralan ang posibleng paglalagay ng mga karagdagang pasilidad sa mga bus stop ng EDSA Carousel

54

Pag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) ang posibleng paglalagay ng mga karagdagang pasilidad sa mga bus stop ng EDSA Carousel.

Ito ay matapos na magpulong ang DOTr sa mga operator ng EDSA Carousel.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, kabilang sa mga pinag-aaralan ng ahensya ang pagkakaroon ng terminal sa Monumento, Caloocan na magsisilbing staging area at pahingahan ng mga driver sa busway.


Plano rin ng ahensya na maglagay ng mga karagdagang pasilidad para sa mga pasahero upang maging komportable ang mga ito lalo na kapag umuulan.

Inaalam na rin ng ahensya ang posibleng pagpayag sa limited standing sa mga bus tuwing rush hour.

Nakipagpulong ang DOTr sa mga consortia ng EDSA Carousel upang tugunan ang mga hinaing ng mga operator.



Facebook Comments