DOTr, pinabibilisan sa LTFRB ang approval ng TNVS applications

Inatasan na ng Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pabilisin ang pag-apruba sa mga kwalipikadong Transport Network Vehicle Service (TNVS) applications.

Ito ay kasunod na rin ng kautusan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade – nagbigay na siya ng direktiba kay Undersecretary for Road Transport Mark De Leon at sa LTFRB na agad sumunod sa utos ng ARTA na awtomatikong aprubahan ang lahat ng nakabinbing valid TNVS franchise applications.


Base sa huling datos ng LTFRB, aabot sa 5,061 Certificate of Public Convenience ang inilabas habang 46,583 provisional authorities ang inisyu mula nitong Agosto 14.

Facebook Comments