DOTr, pinawi ang pangamba sa mga mapapaalis na pamilya sa ginagawang railway projects

47

Manila, Philippines – Mahigpit na ipatutupad ng Department of Transportation ang No Relocation, No demolition policy ni pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng pag -arangkada na ng mga Railways projects ng gobyerno.

Sa statement na ipinalabas ng DOTr, iniulat nito na 414 na informal settler families ang maapektuhan ng PNR Clark Phase 1 na magdudugtong mula Tutuban-Malolos

Gayundin sa PNR Clark Phase 2 Malolos-Clark, na nasa 224 na pamilya ang inaasahang ma relocate.

Bibigyan ng relokasyon ang mga pamilya na nakatira sa lugar na pagtatayuan ng PNR Clark project na popondohan ng Japan.

Ang mga apektadong pamilya ay makatatanggap din ng compensation package upang matiyak ang kanilang kabuhayan sa kanilang malilipatang lugar.

Facebook Comments