DOTr planong bumuo ng consortium sa mga city buses

Naniniwala ang Department of Transportation (DOTr) na malaking tulong sa ahensiya para maibsan ang matinding trapiko ang planong pagbuo ng isang consortium para sa mga city buses sa ilalim ng single fleet management system.

Ayon sa DOTr na magiging designated pick-up points ang ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at Trinoma sa Quezon City.

May pagpupulong pa ang LTFRB at mga bus operators sa unang linggo ng Disyembre bago ipresenta sa MalacaƱang ang component ng PUV Modernization Program.


Paliwanag ng DOTr na malaking tulong ang naturang plano upang mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at matutugunan na rin ang pangangailangan ng publiko ang kakulangan ng pampublikong sasakyan.

Facebook Comments