DOTr, pormal nang binuksan ang “Port of Malalag” sa Davao Del Sur

Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na maaari nang tumanggap ang mas marami at malalaking barko ang “Port of Malalag” matapos itong pormal na buksan noong July 12 ngayong taon.

Ayon kay Tugade, noong pang September 2019 opisyal na natapos ang Malalag Port Project, pero noong linggo lang ito binuksan at pinasinayaan sa pamamagitang virtual ceremony dahil sa COVID-19.

Naglagay din ng port lighting system sa pantalan upang makapagbigay ng serbisyo kahit sa gabi.


Nabatid na dati ay maliit, makipot at kulang sa pasilidad ang naturang pantalan dahilan upang hindi dumaong ang mga barko.

Subalit ngayon, ito ay mas pinalawak at mas pinaganda.

Sinabi ni Tugade na noong pang 2017 sinimulan ang pagsasaayos ng nasabing pantalan kung saan katuwang nila ang Philippine Port Authority (PPA).

Facebook Comments