DOTr, sinuspinde ang paggamit ng beep cards para sa EDSA busway

49

Napagpasyahan ng Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang mandatory na paggamit ng beep cards sa EDSA Busway simula ngayong araw, October 5.

Ito ay matapos tumanggi ang AF Payments Inc., ang provider ng automatic fare collection system (AFCS) na i-waive ang halaga ng beep cards sa kabila ng apela ng gobyerno.


Ang mga Beep Cards ay ini-aalok sa mga bus stations sa halagang 180 pesos, 80 pesos para sa card at 100 pesos para sa load.

Bukod dito, may 5 pesos na convenience fee na ipapataw para sa third-party service providers para sa reloads, habang mayroong 65 pesos na maintaining balance policy.

Sa statement, sinabi ng DOTr at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang pag-waive ng halaga ng beep cards ay malaki ang maitutulong sa mga commuter, lalo na sa mga daily wage earners na apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa ngayon, ipatutupad ang dual payment system para sa mga pasahero ng EDSA Busway kung saan maaari pa ring gamitin ng mga pasahero ang nabiling beep cards o pagbabayad ng cash sa mga wala pang card.




Ang cash payments ay kokolektahin ang mga tauhan mula sa EDSA Bus Consortia sa mga istasyon.

Samantala, ang EDSA Bus Consortia ay maghahanap ng bagong AFCS Provider na maaaring magbigay ng mahusay na solusyon sa kasalukuyang problema at magkakaroon ng meeting hinggil dito bukas, October 6.

Facebook Comments