Downward Trend sa Crime Incidents, Naitala ng PNP City of Ilagan

36
Cauayan City, Isabela- Naitala ang malaking pagbaba ng total crime volume sa City of Ilagan mula January hanggang April 2022 kumpara noong nakaraang taon sa parehong buwan.

Ito ang inihayag ni PLTCol. Benjamin Balais, hepe ng City of Ilagan Police Station sa katatapos na Isabela on the Go live streaming ng Isabela Police Provincial Office.

Ayon sa hepe, bumaba sa 14 incidents o 9.7% sa unang quarter.

Dagdag pa ni Balais, malaki ang ibinaba ng index at non-index crime sa lungsod o katumbas ng 32.2% kung saan maituturing na mayroong downward trend sa naitalang krimen.

Tiniyak naman nito na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod.

Facebook Comments