
Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng bagong tulay sa Eastern Visayas na para maging alternatibong daan ng mga bumabaybay sa San Juanico Bridge.
Sa Malacañang press briefing, inanunsyo ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na ang tulay ay magsisilbing pangalawang San Juanico Bridge na itatayo malapit sa tabi ng orihinal na tulay.
Ang tulay ay may habang 2,600 meters na bahagi ng flagship initiative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at popondohan ng Japan government.
Sa ngayon, hindi pa masabi ni Bonoan kung magkano ang guguguling pondo para dito dahil kasalukuyan pang isinasagawa ang engineering design ng tulay at inaasahang matatapos sa 2026.
Nilinaw naman ni Bonoan na magiging permanente at hindi temporary o pansamantala ang bagong tulay, na maaaring magamit na alternatibo kapag isinailalim sa full rehabilitation ang San Juanico Bridge.