DPWH, may initial assessment na sa pinsala ng lindol sa Mindanao

Kinumpirma ng DPWH Region 12 na base sa kanilang initial assessment, lahat ng national road network sa South Cotabato, Cotobato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City ay nananatiling passable o nagagamit.

 

Sa report ng DPWH, nananatili pa ring passable ang mga National roads at tulay sa Davao Del Sur, Davao Oriental at Compostela Valley.

 

Magsasagawa naman ng pre-positioning ng mga equipment ang DPWH-Region 12 para gamitin sa clearing operation sa mga apektadong mga lugar.


 

Samantala sinabi naman ng DPWH na maari silang matawagan sa kanilang hotline na 165-02 kung may mangangailangan ng infrastructure inspection o rescue operation.

 

Patuloy naman ang assessment ng DPWH Regional and District Engineering Offices sa Mindanao sa mga pinsala na kailangang ayusin sa mga imprastraktura tulad ng kalsada, mga tulay at iba pang establisyemento.

Facebook Comments