DPWH, nag-abiso sa mga motorista hinggil sa pagpapatuloy ng road repairs sa EDSA, QC at C-5 ngayong weekend

16

Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road maintenance works simula mamayang 11 PM hanggang 5 PM sa Lunes sa bahagi ng EDSA at C-5 road.

Ito ay matapos na makakuha muli sila ng clearance sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Sakop ng pagkukumpuni ang North Bound direction ng EDSA, malapit sa Kaingin Rd.,Quezon City at sa bahagi ng Caloocan city

May road re-blocking activities din sa North Bound directions ng C-5 mula sa Rosa Alvero, 5th lane, mula sa sidewalk, bago sumapit ang P. Tuazon, 3rd lane mula sa sidewalk at sa bago sumapit ng Raja Matanda, 2nd lane mula sa sidewalk.

Pinapayuhan naman ng DPWH at MMDA ang mga motorista na na iwasan munang dumaan sa mga nabanggit na lugar dahil sa inaasahang pagbagal ng daloy ng trapiko.

Facebook Comments