DPWH, nag-deploy na ng disaster response teams

33

Nag-deploy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Disaster Response Operation Teams dahil sa inaasahang pinsala ng Bagyong Rolly sa national roads at bridges.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, pinakilos na ang kinakailangang equipment at manpower resources sa risk areas sa Luzon na matinding tinamaan ng bagyo.


Ang DPWH Quick Response Team ay binubuo ng road maintenance crew, equipment tulad ng water pump, chainsaw, tower lights, at generator set para sa debris clearing operations, dump trucks, payloader, road grader at backhoe para sa landslide clearing operation at service vehicles para sa quick response sa emergency road situations.

Facebook Comments