DPWH, pinamumugaran ng mga ‘demonyo’ ayon kay Pangulong Duterte

188

Muling nagpakawala ng patutsada si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa laganap na korapsyon sa ahensya.

Ayon sa Pangulo, bagama’t mahusay mamahala at masipag si Public Works Secretary Mark Villar, maraming ‘demonyong’ namamahay sa kagawaran.


Wala siyang duda sa kakayahan ni Villar na kaya gumawa ng ‘milagro’ sa ahensya.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte na problema sa ahensya ang maraming kawatan.,

Ipinauubaya na ng Pangulo sa Office of the Ombudsman ang pag-iimbestiga at pagpaparusa sa mga tiwaling public servants.

Babala ng Pangulo, marami pa ang masisibak at masususpinde sa kanilang trabaho dahil sa pagkakadawit sa korapsyon.




Facebook Comments