DPWH, planong magsagawa ng structural assessment sa PGH ngayong araw

Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng clean up at structural assessment sa Philippine General Hospital (PGH) simula ngayong araw.

Nabatid na nasunog ang third floor service wing building ng PGH nitong Linggo.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, agad na gagawin ang damage assessment sa istraktura kapag nabigyan na sila ng go signal mula sa Bureau of Fire Protection (BFP).


Ang initial report ay inaasahang matatapos sa susunod na linggo.

Bukod dito, titingnan din ang integridad ng mga kongkreto para malaman ang safety level nito.

Facebook Comments