DPWH R2, MULING ILULUNSAD ANG LAKBAY ALALAY NGAYONG HOLY WEEK SEASON

Cauayan City – Muling Ilulunsad ng Department of Public Works and Highways Region 2 ang “Lakbay-Alalay” ngayong panahon ng Semana Santa.

Magtatalaga ng ang DPWH ng mga tauhan sa iba’t-ibang sulok ng rehiyon upang alalayan ang mga motorista partikular na ang bi-biyahe ngayong Holy Week Season.

Magsisimula ang programang ito ngayong araw, ika-16 ng Abril simula 8am hanggang 5pm, at magtatagal ito hanggang sa ika-19 ng Abril.

Ayon kay Officer-in-Charge, Regional Director Mathias Malenab, inaasahan nila ang pagdagsa ng mga travelers sa Lambak ng Cagayan upang bumisita sa mga simbahan at pilgrimage, at upang samantalahin ang long weekend kasama ang kanilang pamilya at iba pang mahal sa buhay.

Layunin ng Lakbay Alalay Team na binubuo mga uniformed field at crew personnel ay naka-standby sa mga estratehikong lugar kasama ang kanilang maintenance equipments upang maghatid ng emergency assistance sa mga biyahero na nangangailangan ng tulong.

Facebook Comments