Pinangunahan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon kasama ang ilang mataas na opisyal sa lalawigan ang inspeksyon sa bumagsak na Piggatan Bridge sa Alcala, Cagayan kahapon ika – 8 Oktubre.
Layunin ng pagbisita na masuri ang lawak ng pinsala at matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa agarang rehabilitasyon o posibleng pagtatayo ng panibagong tulay.
Ang Piggatan Bridge ay bumagsak noong Oktubre 6, na nagdulot ng malaking abala sa mga motorista at residente na umaasa sa tulay bilang pangunahing daanan patungong Tuguegarao City at mga karatig-bayan.
Tiniyak ni Secretary Dizon na prayoridad ng DPWH ang mabilis ngunit ligtas na pagsasagawa ng rehabilitasyon upang maibalik ang koneksyon at daloy ng transportasyon sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









