DPWH Secretary Villar, nagpa-alala sa kanilang Quick Response Team na mag-ingat sa pagresponde sa mga sakuna

57

Kinilala ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang katapangan at kagitingan ng kanilang quick response team.

Kasabay nito, hinimok din niya ang mga tauhan ng ibayong pag-iingat sa tuwing sila ay reresponde sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.


Ito ay matapos na apat na miyembro ng DPWH Ifugao 2nd District Engineering Office Quick Response Team ang nalibing nang buhay nangmatabuhan ng gumuhong lupa habang nagsasagawa ng clearing operation sa mga kalsada ng Ifugao Province.

Dahil dito, sinabi ng kalihim na dapat unahin nila ang kaligtasan bago gawin ang pagresponde sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.

Nagpaabot naman ang kalihim ng pakikiramay sa mga kaanak at pamilya ng apat na miyembro ng DPWH Quick Response Team ng Ifugao na binawian ng buhay.

Facebook Comments