DPWH, tiniyak na walang makaliligtas sa kanilang pag-iimbestiga sa korapsyon sa ahensya

76

Suportado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang korapsyon sa buong gobyerno.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, gagawin nila ang kanilang makakaya para masugpo ang korapsyon sa pamahalaan.


Sinabi rin ni Villar na patuloy rin ang internal investigation ng binuo nilang task force.

Inaasahang maglalabas sila ng kanilang findings sa lalong madaling panahon.

Sa kabila ng mga isinasagawang imbestigasyon, tiniyak ng kalihim na patuloy ang mga ginagawang proyekto ng ahensya.

Facebook Comments