Dr. Gecobe ng SDO Quirino, Kinilala sa prestihiyosong Award

Cauayan City, Isabela- Kinilala ng Ambassador Antonio L. Cabangon Chua Gintong Parangal Para sa Edukasyon Pamumuno Award si Schools Division Superintendent Dr. Flordeliza Gecobe ng SDO Quirino.

Ito ay matapos ianunsyo nv Marylindbert International ang pagkakahirang kay Dr. Gecobe.

Nakilala si Dr. Gecobe sa kanyang pagmamahal sa mga programa ng kagawaran at ang kanyang dedikasyon para maging Brigther, Moving at Winning ang SDO Quirino.


Bilang isang lider, tumatak sa kanyang mga kasamahan ang pagiging masigasig sa pamamahala at bahagi rin ang patuloy na mas makilala ang SDO Quirino sa buong mundo.

Kaugnay nito, isasagawa ang virtual awarding ceremony sa May 28, 2021.

Facebook Comments