Draft agreement kaugnay ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines, inihahanda na

33

Manila, Philippines – Inihahanda na ng Government Peace Panel at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang draft agreement kaugnay ng isinasagawang peace talk sa The Netherlands.

Kabilang rito ang pagpapalaya ng New People’s Army (NPA) sa kanilang mga bihag na isa sa apat na kondisyong ni Pangulong Duterte.

Nagkasundo rin ang dalawang panig na ituloy ang pagpapalaya sa NPA prisoners at suspensyon ng military operation kahit wala pang ceasefire.

Ayon kay Government Chief Negotiator Silvestre Bello III – pinag-uusapan pa nila ang terms ng naturang draft agreement.
Nation

Facebook Comments