Draft combine ng PBA, kinansela

32
Photo Courtesy: PBA

Kinansela na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang draft combine na nakatakda sanang gawin sa March 10 at 11.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ito ay para masiguro na ligtas ang mga manlalaro maging ang mga staff ng PBA sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Posible kasing makaapekto sa mga Filipino-foreigner aspirants at regional draft applicants kung hindi ikokonsidera ang travel guidelines ng gobyerno kung saan kabilang dito ang 14-day quarantine period para sa mga returning Filipinos.

Facebook Comments