Draft committee report ukol sa paglusot ng shabu sa Customs, binatikos

130

Manila, Philippines – Binatikos ni Senator Antonio Trillanes IV ang draft committee report na inilabas ni Blue Ribbon Committe Chairman Senator Richard Gordon ukol sa paglusot ng 6.4 billion pesos na shabu galing sa China.

Ayon kay Trillanes ang nasabing committee report ay patunay ng cover up o pagtatakip ni Gordon para sa kanyang political master.

Sa nabanggit na committee report ay walang inirekomendang kaso laban sa anak ng pangulo na si Vice Mayor Paolo Duterte at manugang na si Atty. Mans Carpio at sa halip ay pinapasailalim ang mga ito sa lifestyle chek.

Giit ni Trillanes hindi makatwrian na ang mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal droga ay basta na lamang pinapatay sa mga lansangan habang ang mga nasa likod ng drug smuggling ay isasailalim lang sa lifestyle chek.

Sabi ni Trillanes kung talagang seryoso si Gordon na mailantad ang katotohanan sa likod ng anumalya sa Bureau of Customs ay hindi ito dapat tumigil sa imbestigasyon hangga’t hindi napapaharap si Nanie Cabato-Coronacion.

Si tita Nanie ang sinasabi ng broker na si Mark Taguba na komokontak sa kanya para sa Davao group na umanoy kinabibilangan nina Vice Mayor Pulong.

Facebook Comments