Draft ng IRR ng Universal Health Care Law, pinapabago

Pinababago ng National Anti-Poverty Commission o NAPC ang draft ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Universal Health Care Law (UHC) na inilabas ng PhilHealth.

Ayon kay Amy Decena ng NAPC, madami ang tutol sa draft ng IRR ng Universal PhilHealth for Persons with Disability tulad ng paggamit ng online registration para sa pagpili ng mga kukuning beneficiary.

Aniya, paano na lamang ang mga PWDs na nasa liblib na mga lugar at hindi makakapag online registration.


Maliban rito, iginiit pa ni Decena na dapat ay certified ng mga doktor ang mga magiging beneficiary na nagkaroon ng sakit na dahilan ng kanilang kapansanan.

Dahil dito, May 15 na araw ang PhilHealth para palitan ang nasabing IRR bago ito isapinal.

Facebook Comments