Draft ng nirebisang Implementing Rules and Regulations ng GCTA law, hawak na nina  DOJ Sec Guevarra at DILG Sec. Año

54

Naisumite na ng Joint Committee ng DOJ at DILG kina Justice Sec. Menardo Guevarra at Interion Sec. Eduardo Año ang draft ng nirebisa nilang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Good Conduct Time Allowance Law.

Ayon kay Justice Usec. Deo Marco, pag-aaralan naman ng dalawang kalihim ang nilalaman ng kanilang naging review sa IRR at sila na ang bahalang magsapubliko nito.


Hihirit naman ang Joint Committee ng extension ng kanilang mandato para muling pag-aralan o i-review pa ang manual at panuntunan ng RA. 10592 at para makapag-rekomenda sila ng mga kinakailangan pang revisions dito.

Sa susunod na Linggo , inaasahan ang ceremonial signing ng DOJ at DILG Secrataries sa nirebisang IRR ng GCTA law.

Facebook Comments

From Advertisers