Dragnet Operation ikinasa ng PNP kaugnay sa pamamaril kay dating Governor Amado Espino Jr.

951

Ikinasa na ng Pangasinan Provincial Police Office ang isang dragnet at manhunt operations sa garang pagkakadakip sa mga responsable sa pag ambush sa dating gobernador at dating 5th district representative na si Amado Espino matapos tambangan at pagbabarilin ang sinasakyan nito. Ayon kay Police Col. Redrico Maranan na nagtalaga sila agad ng mga bantay sa hospital kung saan isinugod si Espino at ng kanyang mga security personnel upang masiguro ang kaligtasan ng mga naroon maging ng kanyang mag security personnel na lubha ding nasugatan sa nasabing insedente. Nagdeploy agad sila ng mga checkpoints sa mga posibleng daraanan ng mga suspek. Sa ngayon ay patuloy silang nakaalerto at patuloy sa imbestigasyon sa naturang insedente upang malaman ang motibo ng pamamaril at sa agarang pagkakadakip sa mga suspek. Samantala ay stable na Espino at patuloy na binabantayan ang ilan pa sa kanyang security personnel.

Facebook Comments

From Advertisers