Isinasagawa na ang konstruksiyon ng drainage system sa harap ng Dagupan City National High School (DCNHS) na ikokonekta sa drainage system ng EDNAS School, bilang bahagi ng patuloy na flood mitigation efforts sa lungsod.

Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan, isinulong ang proyekto kasunod ng pakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maisakatuparan ang mga proyektong makatutulong sa pagtugon sa problema ng pagbaha.

Layunin ng drainage project na mapahusay ang daloy ng tubig at makatulong sa pagbawas ng pagbaha sa lugar, na makikinabang ang iba’t ibang sektor ng komunidad, kabilang ang mga estudyante, manggagawa, motorista, at mga gumagamit ng pampublikong sasakyan.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga imprastraktura at iba pang proyektong nakatuon sa flood mitigation at pagpapabuti ng mga pangunahing daanan.

Inaasahang makatutulong ang pagkakaroon ng mas maayos na drainage system sa pagpapabuti ng kondisyon ng kalsada at pagbibigay ng mas ligtas at maayos na paglalakbay para sa mga residente at iba pang gumagamit ng nasabing lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments