DRAINAGE SYSTEM SA SITIO-KOREA, BONUAN BINLOC, TINIYAK NA MASISIMULAN NGAYONG TAON

Tiniyak ng barangay council ng Bonuan Binloc, Dagupan City na masisimulan na ngayong taon ang proyektong paglalagak ng drainage system sa Sitio Korea matapos ang hinaing ng ilang residente sa IFM News Dagupan ukol dito.

Sa ekslusibong panayam kay Kagawad Rodolfo Flores, pinaigting umano ang koordinasyon sa Pamahalaang Panlungsod upang maging kaagapay na mapabilis ang pagsasakatuparan ng proyekto.

Dagdag ng opisyal, naghihintay pa sila ng kabuuang pondo sa proyekto upang tuloy-tuloy ang konstruksyon ng proyekto at hindi maantala dahil kinakailangan na diretso ang dadaluyan ng tubig lalo ngayong panahon ng tag-ulan.

Iginiit din ni Flores na mahalagang matugunan ang proyekto upang hindi makompromiso ang kalusugan ng mga residente.

Matatandaan na idinulog ng ilang residente sa IFM News Dagupan ang problema sa daluyan ng tubig baha noong Mayo bilang kanilang hiling na matutukan ng mahahalal na opisyal noong eleksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments