DRAW | Laban nina Donnie Nietes at Aston Palicte, nauwi sa tabla

123

California – Nauwi sa draw ang laban nina Donnie “Ahas” Nietes at kapwa Pinoy boxer na si Aston Palicte na ginanap sa Inglewood, California.

Nabigyan si Nietes ng score na 118-110 na iskor, habang pumabor naman ang isang judge kay Palicte sa 116-112 pero ang huling judge ay binigyan sila ng score na 114-114.

Dahil dito, nananatiling bakante ang WBO Super Flyweight Belt na pinag-aagawan ng dalawang Pinoy boxer.

Naniniwala naman sina Nietes at Palicte na naging maganda ang ipinakita nilang laban sa co-main event ng Superfly 3 at tanggap nila ang kontrobersyal na “split draw” kung saan payag sila na magkaroon ng rematch.

Facebook Comments