Dream house ni Kathryn Bernardo, target tapusin ngayong taon

55

Ini-reveal ng aktres na si Kathryn Bernardo ang kanyang top priority ngayong 2021.

Ayon kay Kathryn, target niyang matapos ang pagpapagawa ng dream house para sa kaniyang pamilya.


Matatandaang March 2020 nang ipinakita ni Kath sa publiko ang binili niyang lote na pagtatayuan ng kanilang dream house.

Say ng aktres, kailangan niyang magdoble-kayod dahil hindi biro ang gastos sa pagpapaggawa ng bahay.

Maliban sa bahay, wish din daw nito na sana ay mas marami pang projects ang dumating sa kanyan ngayong taon.

Facebook Comments