Dream job ng karamihan sa Russia – alamin

Russia – Masayang-masaya ang 26-anyos na babae mula Ufa, Russia matapos na maswerte siyang mapili sa pinakapinapangarap na trabaho ng lahat sa kanilang lugar.

 

Walang iba kundi ang maging isang full-time sofa tester!

 

Noon lamang isang buwan, nasa higit 5,000 aplikante ang nagtungo sa Russian Furniture Giant MZ5 Group matapos nitong i-anunsyo ang planong pagha-hire ng isang full-time sofa tester.

 

Ayon sa napiling si Anna Cherdantseva, wala siyang ibang gagawin kundi ang umupo sa mga sofa, sampung oras kada araw para lang i-test kung matibay at komportable itong upuan.

 

Sa ngayon, sasailalim muna siya sa three-month probation kung saan papalo ang kanyang sahod sa 1,000 dolyar kada buwan o katumbas ng 50-libong piso!



Facebook Comments