Driver at kundoktor, arestado matapos mambugbog ng dalawang traffic enforcer

99

Manila, Philippines – Arestado ang isang driver at kundoktor ng bus makaraang mambugbog ng dalawang traffic enforcer sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang driver bilang si Eddi Magangkong, 38 Kim Lester Padilla, 22 na kapwa nagtatrabaho sa Metro Manila bus Corporation.

Base sa paunang imbestigasyon, pinara ng mga traffic enforcer ang bus makaraang magbaba ng mga pasahero sa No Loading/ Unloading Zone.


Ngunit sa halip na ibigay ng driver ang kaniyang lisensya ay bumaba ito ng bus at sinimulang pagsasapakin ang mga traffic enforcer.

Humingi naman ng tawad ang mga suspect sa mga biktimang sina Traffic Enforcer 3 Robredo Suban na nagtamo ng bali sa leeg at traffic enforcement Roden Aballili, na nagtamo naman ng bali sa kamay.

Nahaharap ngayon sa kasong Direct Assault Upon agent of person in authority ang driver at kundoktor habang dinala naman sa Impounding Area ng MMDA ang kanilang bus.



Facebook Comments