Isa ang patay habang apat ang sugatan sa salpukan ng isang tricycle at motorsiklo sa kahabaan ng National Road sa Barangay Carmen West, Rosales, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng Isang 74-anyos na lolo ang tricycle na mabangga ito ng paparating na motorsiklo.
Sakay ng tricycle ang tatlo nitong pasahero kasama na ang Isang Menor de edad na nagtamo ng mga sugat at agad na isinugod ang mga ito sa ospital ng mga rumespondeng pulis. Idineklarang dead on arrival ang driver ng tricycle habang patuloy na nagpapagaling ang ilang biktima.
Napag alaman na hindi lisensyado ang driver ng motorsiklo na na mahaharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments