
Pinalaya mula sa detention facility ang driver ng SUV na bumangga sa bollard at entrance ng deprture area sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 noong May 4.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), pinalaya ang 47 years old na driver matapos makapagpiyansa ng P100,000 mula sa utos ng Pasay City Regional Trial Court.
Matatandaang dalawa ang nasawi sa nasabing insidente kasama na ang limang taong batang babae na maghahatid lamang ng kanyang ama patungong Europe.
Kabilang din ang 28 years old na lalaki na papalabas na sana ng bansa, habang may ilan namang nasugatan na nadamay sa aksidente.
Facebook Comments